Ano ba ang Pinoy Action Movie?
Laging umiikot ang istorya sa paghihiganti: Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak nya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola, ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno)
Isa sa mga eksena e babastusin sya o syota nya ng mga nag-iinumang istambay.
Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol).
Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ang mga sugat nya ng isang babae.
Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.
Lagi itong may mga uto-utong tauhan o “mga bata”.
Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o malaking bahay.
Lagi ding may eksena sa isang beer house.
May seksing leading lady at may love scene na pwedeng ikwento sa Abante.
Marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalake lang naman e kayang-kaya nitong patumbahin.
Kung ma-co-corner ang bida, hindi ito papatayin, ikukulong lang.
Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nag-tutukan ng baril … mahabang pag-uusap, tila baga mag-syotang nasa telepono.
May malalakas na pagpapasabog kahit na hindi naman kailangan.
Walang malalakas na pagpapasabog kahit na kailangan.
Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala.
Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.
Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit na hindi pa siya nakakahawak nito sa buong buhay nya.
Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod ng sabay-sabay, laging isa-isa, parang sayaw.
Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlompung tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya.
Tamaan man sya ng bala ay laging daplis lang … hindi pwedeng sa ulo o sa puso.
Siyam (9) ang buhay ng bida.
Doble pa nito ang buhay ng leading lady.
Kung mamamatay man ang isa sa kanila e makakapagsalita pa ito ng isang page ng script bago malagutan ng hininga.
Huli darating ang maraming pulis … at wala silang pakialam sa bida, kahit na involved ito sa riot!


Koleksyon ng mga jokes, emails, videos at iba pang kalokohang kumakalat sa internet.
Lol. I think the Filipinos are contagious, this sounds familiar in Bruce Willis’ Die Hard 4
1May kulang pa no’,.. Yung mga kalaban na stuntman namatay na sa umpisa makikita mo ulit buhay sa ibang scene para tipid LOL
2may kulang pa:
- yung mga pulis, may goodmorning towel sa ulo
3- pasalubong lagi ng bida sa kaibigan o kamag-anak, laging pansit
- kapag habulan na ng sasakyan, laging may nababanggang tindahan/palamig
- minsan yung baril, may built-in grenade launcher. laughtrip yung sound!
- si leading man at leading lady, holding hands parati kapag tatalon sa waterfalls
-at hindi mawawala ang kantahan!
Lagi cla nkaleather jacket kht mainit at pg ngptawa ang lider dpat 2mawa ang mga alagad nito….
4Madalas laging 1shot ang baril ng bida at laging sharp shooter i2
5At ang mga pasabag pg2matakbo ang bida laging sa gilid lang i2 ng bida, at parang alam nya qn saan i2 nktanim
6At ang mga pasabog pg2matakbo ang bida laging sa gilid lang i2 ng bida, at parang alam nya qn saan i2 nktanim
7Laging guz2ng mhuli ng buhay ang bida ng lider ng sindikato tpoz pgnahuli papahirap at mkktakas din ang bida…
8Laging guz2ng mhuli ng buhay ang bida ng lider ng sindikato tpoz pgnahuli papahirapan at mkktakas din ang bida…
9meron pa..
laging owner na jeep at ford fiera ang sasakyan ng mga pulis…
laging may bigote o balbas sarado ang kontra bida
laging linya ng kontrabida sa mga tauhan nito..”mga bata”
10meron pang kulang!!
kapag ambida ay isang pulis
di siya naka uniporme ng pampulis..,
lagi nalang naka jacket!!
11eto pa…
pag may malaki o malakas na pagsabog sa background ng bida kailangan naka slow-mo ang kuha sabay talon off cam.
madalas may car chase sa mataong lugar, bidang bida ang mga palengke boys na may tulak tulak na kariton na puno ng gulay o kariton ng palamig tapos ito ang mabubunggo ng kotse tapos pag lagpas ng kotse babalik sa eksena ang tindero at itataas ang fist.. nagagalit kasi nabunggo ang tinda nya
kadalasang leading lady ay mestisa o hindi marunong magtagalog katulad nina amanda page o charlene gonzales..etc. tapos laging dubbed ang boses na hindi sa kanila.
12if you do not like tagalog action movies wag nio na lang panoorin..
13hindi yang ganyan kau makapanglaiit o makapanira..
wala kau kwenta ika nga ni rizal.. “ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda.. pinagpaguran ng mga taong un ang paggawa ng pelikula kaya wag kayong masyadong manghamak.. kau ba may nagawa na ba kau para sa ekonomiya ng bansa? mga gaya nio nagpapabagsak sa bansa natin.. MGA BULOK ANG PAG IISIP!!