Kwelang Pinoy

Koleksyon ng mga kakokohang pinoy na kumakalat sa internet
Subscribe

Battle of the Brainless

March 01, 2010 By: admin Category: Uncategorized

MC : Sino ang pumatay kay Magellan? Initials niya ay LL. (LapuLapu)
BL : Lito Lapid!
MC : Mali! Inuulit ang pangalan.
BL : Lito Lito!
MC : Mali pa rin! First name lang.
BL : LotLot!
MC : Hindi! Mas mahaba iyon.
BL : LotLot … and Friends?

************

Host: Anong “L” (Lifeguard) ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?
Contestant: Lifebuoy?

Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng ito.
Contestant : Safeguard?

Host: Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
Contestant : Safe Buoy?

Host: Hindi siya “boy” at matipuno nga ang kaniyang katawan.
Contestant: Ah, Mr. Clean!

************

Host: Sino ang national hero na naka-picture sa 500 Peso bill? Clue, may initials na N.A. (Ninoy Aquino)
Contestant: Nora Aunor?

Host: Hindi. Ang pangalan niya ay nage-end sa “Y”.
Contestant: Guy Aunor?

Host: Hindi. Dati siyang Senador.
Contestant: Si Former Senator Guy Aunor?

Host: Hindi. Patay na siya.
Contestant: ANO??!! PATAY NA SI NORA AUNOR???!!!

************ *

Host: What “N” (narra) is the national tree of the Philippines?
Contestant: Niyog?

Host: Mas matigas pa diyan.
Contestant: (in a strong-sounding voice) NIYOG!!!

*********

Host: Saan “B” (Bagumbayan) binaril si Jose Rizal?
Contestant: Sa back?

Host: O sige, puwede rin na ang simula ay letter “L” (Luneta).
Contestant: Likod?

Host: Hindi pa rin. Para mas madali, “R.P.” ang initials ng modern name nito. (Rizal Park).
Contestant: Rear Part? (Susme! Likod pa rin yun!)

************

Host: Saan “B” (beach) tayo madalas pumunta pag summer upang maligo?
Contestant: Banyo?

Host: Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka.
Contestant: Bubong?

Host: Hindi, marami kang makikita duong mga babaeng naka-bikini.
Contestant: Beerhouse!

************

Host: Anong “S” (Salbabida) ang ginagamit na flotation device sa dagat upang hindi ka malunod?
Contestant: Sirena?

Host: Hindi! Hindi ito babae.
Contestant: Siyokoy?

Host: Hindi ito lalake.
Contestant: Siyoke?

************

Host: What “S” (Sampaguita) is the national flower of the Philippines?
Contestant: Sunflower?

Host: Hindi. Binebenta ito sa kalye.
Contestant: Stork?

Host: Hindi. Bulaklak sabi eh.
Contestant: Sitsarong bulaklak?

Host: Hindi pa rin. It ends with a letter “A”.
Contestant: Sitsarong bulaklak na may suka?

Host: Oh, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa! Anong pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa “S”, nagtatapos sa letrang “A”, at kapangalan ng isang sikat na singer?

Contestant: Si…Sharon Cuneta!

************

Host: Sino ang kauna-unahang Chess Grandmaster (Eugene Torre) of Asia?
Contestant: Carole KING?

Host: Hindi, mas mababa sa king.
Contestant: Al QUINN?

Host: Hindi, tagalog ang apelyido niya.
Contestant: Armida Siguion-REYNA?

Host: Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.
Contestant: BISHOP Bacani?

Host: Mas mababa sa bishop.
Contestant: Johnny MidNIGHT?

Host: Mas mababa sa Knight.
Contestant: Jerry PONS?

Host: Oh, ayan na, nabanggit mo na lahat ng piyesa sa Chess. Yung kahuli-hulihang piyesa na lang.

Contestant: Sylvia laTORRE!

************

Emcee (MC) : Ano ang national animal ng Pilipinas? It begins with the letter
K. (Kalabaw)
Brainless (BL): Kuto!
MC : Mali! Sa lupa ito gumagalaw, hindi sa ulo.
BL : Kutong-lupa?

************

MC : Ano ang national animal ng Australia? It begins with the letter K.
(Kangaroo)
BL : Kalabaw!
MC : Mali! It ends with the letter O.
BL : Kabayo!
MC : Mali pa rin! Tumatalon-talon ito.
BL : Kuneho!
MC : Mali pa rin! It ends with double-O.
BL : KunehO-O?

************

MC : Ano ang national bird ng Pilipinas? It begins with the letter M. (Maya)
BL : Manok!
MC : Mali! Kulay brown ito.
BL : Pritong Manok?
MC : Mali! Maliit na maliit ito.
BL : Maggi Chicken Cube!

************

MC : Si Inday Badiday ay tinaguriang Reyna ng blank. Anong blank ito and it starts with the letter I? (Intrigues)
BL : I to I!
MC : Mali. Ito ay source ng mga away.
BL : Isnaban!
MC : Hindi. Ginagamit ito ng ibang mga artista at producers para kumita ng
kanilang pelikula.
BL : Interview!
MC : Hindi! Ito ay nakakainis!
BL : Insekto!

********

 

 


load philippines

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.